Advertisers
MAIBIBIGAY na sa public utility vehicle (PUV) drivers at operators ang second tranche ng fuel subsidy program sa unang bahagi Hulyo.
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Executive Director Tina Cassion, inihahanda na ng ahensya ang mga dokumento para sa pamamahagi ng P6,500 fuel subsidy sa mga benepisyaryo.
Ngunit, paglilinaw niya na tanging ang mga kasama lamang noong unang bahagi ng fuel subsidy ang makakatanggap ng panibagong ayuda.
Pahayag pa ni Cassion, na sa 377,000 na benepisyaryo ng fuel subsidy mababa na sa bilang na limang libo ang hindi pa nakakatanggap ng first tranche ng nasabing ayuda.
Magugunitang hinati ng LTFRB sa dalawang tranche ang P5 bilyong subsidiya sa mga nasa sektor ng transportasyon na apektado pa rin ng krisis sa langis. (Josephine Patricio)