Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
SA panahon ng pandemya dulot ng COVID-19 ay maraming nakaranas ng anxiety at depresyon.
Kaya tinanong namin si Sanya Lopez kung hindi ba siya nakaranas ng anxiety o depression sa panahon ng pandemya?
“Siguro partly hindi po dahil marami po kasi akong kasama sa house nung pandemic. Kaya kahit naka-quarantine, okay lang po.
“Nagkaroon kasi ako ng time sa sarili ko at nakapagpahinga. Although wala nga lang pong work.
“Nung lock in taping ko lang partly naramdaman ang medyo nakaka-depress. Kasi after work balik na kami sa kanya-kanya naming room. Hindi kami pinapayagan to mingle sa mga co-actors namin.
“At isang buwan po iyon,” pahayag ni Sanya.
Ano ang payo ni Sanya sa mga kabataan para manatiling mentally-healthy sa panahon ng pandemya?
“Siguro maipapayo ko lang sa mga kabataan na magdasal palagi. Ang mind kasi natin madaling i-pollute ng mga masamang bagay lalo na ‘pag walang ginagawa.
“Always keep themselves busy para hindi ma-depress at isa pa, maging helpful din sila sa house nila para hindi sila mag-isip ng ibang bagay,” sinabi pa ng First Lady female lead ng GMA.
At dahil bida si Sanya sa top-rating GMA series na First Lady na napapanood weeknights; nakikita ba niya ang sarili niya in the future na maging isang First Lady o tatakbo sa pulitika?
“Hindi ko pa po masabi ‘yan ngayon.
“Para kasing mahirap pumasok sa politics. At dapat malawak ang experience mo pagdating sa pulitika. Pero sa ngayon ‘di ko pa siya nae-entertain sa mind ko.
“Kung sa pagiging first lady naman, hindi ko rin alam e. Kung may magkamali po na ligawan ako ng isang magiging presidente natin someday why not po,” at tumawa si Sanya.”
***
DAHIL Ngayon Kaya ang pamagat ng kanilang pelikula ni Paulo Avelino, tinanong namin si Janine Gutierrrez; kung may isang bagay na nais niyang mangyari NGAYON, ano KAYA iyon?
“Sana mabigyan ng pagkakataon yung Ngayon Kaya na mapanood talaga ng madaming tao sa sinehan.
“Kasi I understand nga na we’re one of the first to do a theatrical release post-pandemic so sobrang na-appreciate po namin yung pagpunta nyo ngayong hapon and we’re so grateful for your help na ma-spread yung word na sa sinehan nga tayo ipapalabas,” pahayag pa ni Janine sa harap ng piling members ng media na dumalo sa press preview ng Ngayon Kaya sa SINE POP sa St. Mary Street sa Cubao, Quezon City noong Miyerkules, June 1 ng hapon.
“And iyon, yun talaga yung wish ko ngayong buwan ng June, na I hope people come out and see it in cinemas,” nakangiting dagdag na sinabi pa ni Janine.
Bukod kina Janine at Paulo ay tampok din sa Ngayon Kaya sina Donna Cariaga, Alwyn Uytingco, John James Uy at Rio Locsin.
Ang Ngayon Kaya ay sa panulat ni Jenilee Chuaunsu at sa direksyon ni Prime Cruz.