Advertisers

Advertisers

Marcos umamin ‘di kayang ibigay agad ang inaasahan ng 31m bumoto kay BBM…‘WALANG HIMALA!’

0 246

Advertisers

WALANG himala sa pagresolba sa napakabigat na problemang kinahakaharap ng bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Imee Marcos matapos aminin na kinakabahan sila kaugnay sa napakataas na expectation o inaasahan ng publiko sa unang 100 araw sa pag-upo ng kanyang kapatid na si President-Elect Bongbong Marcos.

“It’s a very nerve-wracking to think of expectations of the 31 million within the first 100 days. Wala pong himala sabi nga ni Nora Aunor,” pahayag ni Imee.



Baka aniya inaasahan ng taumbayan na sa isang kisapmata ay mawawala o malulutas na agad ang kaliwa’t kanang problema ng bansa.

“Kaya kinakabahan kami sa inaasahan ng tao na parang kisapmata lang mawawala na yung taas presyo ng gasolina, yung mamahaling mga pagkain,” ani Imee.

Muling iginiit nito na walang himala at kahit pa buhay ang kanyang ama na napakagaling at napakasipag ay posibleng mahirapan din lutasin ang mabibigat na suliranin ng bansa sa kasalukuyan.

“Kung baga walang himala. Kahit Marcos na yan, kahit buhay pa yung tatay ko nun na napakagaling at napakasipag, palagay ko mahihirapan talaga,” dagdag pa ng senadora.

Nakatakdang manumpa si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa makasaysayang National Museum of the Philippines sa Maynila sa Hunyo 30. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">