Advertisers

Advertisers

Cebu binigyan ng 3 araw ng DILG para bawiin ang pag-alis sa mask mandate

0 255

Advertisers

TINANINGAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng tatlong araw ang Cebu provincial government para bawiin ang kautusan nito na nagtatanggal ng mandato kaugnay ng pagsusuot ng face mask sa outdoor spaces ng probinsya.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kung hindi pa rin ito maamyendahan sa ibinigay na panahon sisimulan na ng DILG ang legal na aksyon laban sa aniya ay paglabag sa Executive Order No. 151 series of 2021 na kaugnay ng pagpapatupad ng alert level system para sa COVID-19 response.

Itinuturing din ni Año na kabalitunaan ang pagluluwag sa face mask mandate ng Cebu provincial government, gayong nananatili ito sa Alert Level 2.



Dagdag pa ni National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, higit kalahati pa lang ng populasyon ang fully vaccinated sa probinsya.

Ani Año, maging si Justice Secretary Menardo Guevarra ay naniniwalang labas sa kapangyarihan ng local government ang pagpapasa ng executive order na kokontra sa national laws at EOs.

Giit niya, “mandatory” pa rin at hindi “optional” ang pagsusuot ng face mask sa bansa. Muling inabisuhan ng DILG ang pulisya na mahigpit na pagpapatupad ito.

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, hindi lang panlaban sa COVID ang face mask, kundi pati sa ibang sakit, tulad ng monkeypox, na pwede aniyang makahawa sa pamamagitan ng respiratory droplets.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">