Advertisers

Advertisers

Elf truck nahulog sa bangin: 7 sugatan

0 234

Advertisers

CENTRAL MINDANAO – Bumulusok sa malalim na bangin ang isang elf truck sa probinsya ng Sultan Kudarat.

Ang mga biktima mga residente ng Cotabato City.

Ayon sa ulat, galing sa paliligo ang mga biktima sa Margues hot and cold spring resort at papauwi na ng Cotabato City.



Ngunit pagsapit ng sasakyan sa matarik na bahagi ng kalsada sa Barangay Margues Esperanza Sultan Kudarat, bigla itong nawalan ng preno.

Hindi na nakontrol ng driver ang manobela at tuloy-tuloy na nahulog sa malalim na bangin.

Agad tinutulungan ang mga biktima ng mga residente sa lugar at dinala sa pagamutan.

Paalala ng LGU-Esperanza sa mga driver na mag-ingat sa pagmamaneho at siguraduhing kondisyon ang kanilang sasakyan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">