Advertisers

Advertisers

Neneng nalasing, pinulutan ng tiyuhin

0 288

Advertisers

GINAHASA ang isang 13-anyos na babae ng kainumang tiyuhin sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “JM”, 19 anyos, construction worker; habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Ritz”. Kapwa sila residente ng Brgy. San Pedro.

Sa report, nangyari ang insidente 3:00 ng madaling araw ng Miyerkules sa naturang lugar.



Ayon sa ulat, masayang nagkainuman ang magtiyuhin kasama ang ilang kaibigan sa kanilang tinutuluyan.

Sa kasagsagan ng inuman, nakaramdam ng pagkalasing ang biktima kaya minabuting matulog na lamang ito sa sala.

Naalimpungatan ang biktima nang maramdaman na may nakahawak sa kanyang mga kamay at hita.

Nakita ng biktima ang tiyuhin na nakakubabaw sa kanya hanggang sa puwersahan siyang gahasain nito.

Nang dumating ang ina mula sa Maynila, nagsumbong ang biktima at nagtungo sila pulisya kaya nahuli ang suspek kalaunan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">