Advertisers
TATLO umano sa 10 mga Filipino adults ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS).
Isinagawa ang nasabing survey mula Abril 19 hanggang April 27, 2022 kung saan tinanong ang nasa 1,440 respondents kung ano ang estado ng kanilang pamumuhay ngayon.
Lumabas sa resulta na 34 percent sa mga dito ang nagsabi na sumama ang kanilang pamumuhay.
Mas mataas ang nasabing bilang kumpara noong nakaraang taon na mayroong 32 percent.