Advertisers

Advertisers

Bagong Plaza Yuchengco, pinasinayaan nina Isko at Honey

0 347

Advertisers

PINASINAYAAN nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor na ngayon ay incoming Mayor Honey Lacuna ang bagong open air na Plaza Yuchengco at karagdagang Instagrammable na lugar para sa mga residente ng kabisera ng bansa.

Ang dalawang pinakamataas na opisyal ng lungsod ay sinamahan din nina incoming Vice Mayor Yul Servo at third district Congressman Joel Chua, kabilang sina city engineer Armand Andres, city electrician Randy Sadac at city architect Pepito Balmoris sa inauguration ng newly-redeveloped na Plaza Yuchengco na nasa Escolta, partikular sa Muelle del Banco Nacional.

Sa kanyang talumpati ay binati rin ni Moreno ang mga barangay officials at third district Councilors na sina Tol Zarcal, Fa Fugoso, Terence Alibarbar, Apple Nieto, Maile Atienza at Jong Isip pati na rin ang Yuchengco Group of Companies sa pangunguna ng chair na si Helen Yuchengco-Dee, na labis na pinasalamatan ng alkalde dahil sinagot nito ang lahat ng gastusin sa proyekto at hindi gumugol ng kahit na sentimo ang lungsod.



Ang bagong plaza ay may habang 300 metro at sakop ang apat na kalye ng Yuchengco, Soda, Pinpin at Burke Streets mula Jones Bridge hanggang MacArthur Bridge.

Pinasalamatan ni Moreno si Dee sa tulong na ipinagkaloob nito sa lungsod at sinabing plano niya talagang i-develop ang lugar bilang ‘lovers’ lane’ para sa mga magsing-irog na gustong mamasyal at magpalipas ng oras.

Makikita sa nasabing plaza ang may 24 best flowering native trees, isang main plaza na may marker, 28 double lamp posts, concrete walkways na may bike lanes, 40 plant boxes, plant wells, green spaces at mga benches.

Ang pagpapangalan sa bagong redeveloped na plaza bilang ‘Yuchengco Plaza’ ay munting paraan ng pasasalamat ng pamahalaang lungsod sa mga Yuchengcos sa kanilang tulong na pagandahin ang lungsod.

“Ito ang aming small token, na ang Yuchengco Park ay maipangalan sa mga ninuno at pamilya ninyo, para sa pagiging mabuti ninyo sa mga taga-Maynila. Masuwerte ang barangay dito, biglang aliwalas ang riverbank ng Escolta,” sabi ni Moreno. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">