Advertisers
PATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad para sa pagkakakilanlan sa riding in tandem suspect sa pamamaril-patay sa barangay chairman nitong Lunes sa bayan ng Mawad, Davao de Oro.
Kinilala ang biktimang si PB Elizalde Malcampo, ng Barangay Kinuban, Maco, Davao de Oro.
Batay sa report ng Mawad Municipal Police Station (MPS), 6:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa kalsadang sakop ng Barangay Andili ng nasabing bayan.
Lumabas sa paunang imbestigasyon, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo galing sa paghahatid sa kanyang apo sa Andili Elementary School.
Pauwi na sana ang biktima sa kanyang tahanan ng sundan ito ng mga suspek na nakamotorsiklo at walang plaka.
Dito, pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na tumakas ang mga salarin sa hindi malamang direksyon.
Nagawa naman isugod sa ospital ang biktima subalit habang nilalapatan ng lunas at nalagutan rin ito ng hininga.
Inaalam na ng mga awtoridad ang tunay na motibo na krimen.