Advertisers
INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termination ng joint oil exploration discussions ng Pilipinas at China.
Pahayag ni outgoing Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., inabandona na ng Pilipinas ang kasunduan dahil sa Constitutional constraints at ang mga isyu sa soberenya ng bansa.
Sinasabing ang ilang areas ng West Philippine Sea na bahagi ng exclusive economic zone ng bansa ay mayaman sa oil at gas reserves.
At dahil na rin sa malawak na claim ng China sa mga isla sa West Philippine Sea ay plinano ng bansa ang research at development sa disputed waters pero hindi ito naging epektibo.
Noong November 2018, pumirma ang Pilipinas at China ng memorandum of understanding (MOU) at napagkasunduan ng dalawang bansa na mag-establish ng inter-governmental joint steering committee para sa posibilidad na magkaroon ng energy cooperation.
Nakapaloob sa MOU na ang dalawang bansa ay magkakaroon ng working group mula sa dalawang bansa na kinabibilangan ng representatives mula sa enterprises na otorisado ng dalawang gobyerno.
At dahil magtatapos na rin daw ang termino ni Locsin, sinabi nitong nasa kamay na ng papasok na administrasyon ni incoming President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na depensahan ang Philippine sovereignty.
Kung matatandaan, ang Pilipinas ay nakapaghain na ng mahigit 300 diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na pagsakop ng China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ito ay sa kabila ng panalo ng Pilipinas sa 2016 arbitral ruling.