Advertisers

Advertisers

Pagtuturok ng booster dose sa mga kabataan ‘di mandatory – NVOC

0 275

Advertisers

KLINARO ngayon ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na hindi mandatory para sa mga estudyanteng papasok sa susunod na school year ang pagtuturok ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, Chairperson ng National Vaccination Operations Center, paglabag daw sa batas ang mandatory na pagbabakuna sa mga estudyante.

Ani Cabotaje, hindi rin ito puwedeng gawing requirement sa mga eskuwelahan para sa kanilang mga estudyanteng papasok na sa buwan ng Agosto.



Sinabi ni Cabotaje na kailangan pa ring may consent o pahintulot ng magulang at pagpayag ng bata, at hindi sapilitan ang pagbibigay ng booster dose sa mga edad 12 hanggang 17 taong gulang.

Ito ang nakasaad sa batas hinggil sa pagbabakuna sa naturang age-group.

Nananatili umanong kusang loob at hindi pwedeng maging sapilitan ang pagtuturok ng booster-dose laban sa COVID sa mga kabataan.

Kung si Usec. Cabotaje umano ang tatanungin, nais niyang gawing mandatory ang pagpapa-booster sa mga mag-aaral lalo at sasabak na sila sa face-to-face-classes.

Gayunpaman, hindi umano ito uubra at ang tanging magagawa nila ay umapela sa mga magulang na magkusang dalhin ang kanilang mga anak sa vaccination center.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">