Advertisers
NANINIWALA ang nasa 44% ng mga Filipino adults na kahit papaano ay aangat ang kanilang buhay sa darating na 12 buwan o isang taon, batay sa survey na inilabas ng Social Weather Stations (SWS).
Sinasabing mula sa 1,440 respondents, nasa 44 percent sa kanila ang nagsasabi na ang quality of life ay mas gaganda pa, habang nasa 39 percent naman ang naniniwala na wala pa ring pagbabago at nasa four percent naman sa mga na-survey ang nagsabi na baka lalo pang lumala sa loob ng isang taon.
Umaabot naman sa 13 percent ang hindi nagbigay ng kasagutan.
Ang naturang survey ay isinagawa mula April 19 hanggang April 27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews.
Nangyari ang survey bago ang halalan noong May 9.
Sinabi pa ng SWS na ang mga respondents ay adults na may edad na 18-anyos pataas na nagmula sa Balance Luzon, Metro Manila, the Visayas, at Mindanao.
Ang nasabing survey ay nagkataon naman na ang hinihinging pananaw sa mga kababayan ay sa papasok na bagong gobyerno sa ilalim ng Marcos administration.