Advertisers

Advertisers

Bebot nagpakilalang pulis sa checkpoint, kulong

0 351

Advertisers

Kulong ang isang babaeng rider nang magpakilalang pulis sa mga pumara sa kanyang mga totoong pulis sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Zapote V, Bacoor City, Cavite noong Biyernes.

Kinilala ang suspek na si Norlainie Linog, 32, vendor, at residente sa Quiapo, Manila

Base sa report ng mga pulis na umaresto sa suspek na sina PSSg. Rustan Tadeo at Patrolman Renren Estiller ng Bacoor City Police Station, kasalukuyan silang nagsasagawa ng “Oplan Sita” Checkpoint sa nasabing lugar ng kanilang parahin ang sinasakyang Yamaha NMAX motorcycle ng suspek dahil sa initial violation nito na over loading kaya’t hinanapan ng mga otoridad ng dokumento ang dalang motorsiklo ng suspek na nagpakilala di umano na isang “pulis” dahil dito hinanapan ang suspek ng police identification card (ID), subali’t bigla na lamang nagsisigaw ang suspek at gumawa ng iskandalo na agad naman sinaway ng mga otoridad subali’t hindi ito nagpapigil kaya’t agad pinosasan ang suspek at inaresto.



Nahaharap ngayon sa kasong Usurpation of Authority at Alarm and Scandal Incident ang nakakulong na ngayong suspek sa Bacoor City Lock Up cell. (Koi Laura)