Advertisers
INARESTO ng mga pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Cavite Provincial Field Unit at Provincial Mobile Force Company ng Cavite Provincial Police Office ang isang guro na inakusahang estapador sa Blk 1, Lot 48B Legian 2, Subdivision, Brgy. Carsadang Bago 1, Imus City, Cavite, noong Biyernes.
Kinilala ang suspek na si King Cortez, 43, residente sa naturang lugar.
Base sa ulat ni CIDG Cavite Chief P/Lieutenant Colonel Ryan Dexter Andulan kay CIDG Director Major General Eliseo DC. Cruz, dinakip ang suspek nang ipag-utos ni Presiding Judge Honorable Rochelle Manuel, ng Branch 9, Quezon City sa pamamagitan ng isang arrest warrant para sa kasong 9 counts ng syndicated estafa.
Nakakulong na ngayon ang suspek sa CIDG PFU Custodial Facility bago iharap sa korte at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. (Koi Laura)