Advertisers
Patay ang isang pulis at isa pang wanted na miyembro ng komunistang teroristang grupo nang magkaengkuwentro noong Biyernes ng madaling araw, Hunyo 24.
Sa ulat, 4:40 ng madaling nang maghain ng Warrant of Arrest ang mga tauhan ng Masbate 2nd Provincial Mobile Force Company at Pasay City Police Station para sa kasong pagpatay sa Malibay, Pasay City laban sa suspek na si Hubert Aplacador.
Gayunpaman, nanlaban ang suspek na humantong sa putukan sa pagitan ng mga operatiba ng pulisya.
Sapul naman sa sagupaan ang dalawang parak na kinilalang sina PSSg Nikki Codera at PLT Rogelio Walay. Dinala sila sa San Juan de Dios Medical Center, ngunit idineklarang dead on arrival si PSSG Cordera.
Nagtamo rin ng tama ng bala ng baril ang suspek at dead on the spot.
“Our police personnel tried to serve the warrant peacefully but the suspect was armed and was violent. Thus, the operating groups had to defend themselves. It is unfortunate that one of our comrades died while fulfilling his duty as a law enforcer. This is the risk that goes along with our job in ensuring a criminal-free and crime-free community,” sabi ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr.