Advertisers

Advertisers

SALOT SA LIPUNAN WALANG PUWANG KAY PBBM

0 255

Advertisers

Ang isang musmos kahit salbahe,kapag may kinatatakutan ay asahan mong nginig,ngatal ito at di makatitingin ng deretso sa kinatatakutan at kung may pagkakataon ay kakaripas ito palayo.

Pero gaano man ang nerbiyos ng musmos,kapag siya ay inamo,inalo at biniro na ng mismong kinatatakutan nito, nabubura na ang linya sa pagitan at makapapasok na ang kakulitan,kasutilan hanggang sa kakasa na at mas maangas pa.

Ganyan ang nangyari kay PDigong na kilalang matapang na lider,galit sa pasaway at bakal ang kamay.



Nangatog noon ang mga sutil sa bayan,matigas ang ulo ,paepal at salot sa bayan lalo nang mahalal na presidente si Duterte.

Akala ng marami ay titiwasay at susulong na ang bansa dahil bahag na ang kanilang buntot at wala ng kokontra sa pagbabago na kanyang plataporma para sa masa.

Pansamantala lang ang pagkatameme ng salbahe na si Igme na salot sa bayan ni Juan.

May mga pasaway na sumubok at humamon sa tapang ng torero.Nagka-puwang na umangil, sumuwag, tumutol at sumuway ang mga salot ng lipunang dakilang oposisyon kuno mula sa plenaryo hanggang sa mga calle parliyamento pati na sa kanayunang balwarte ng mga teroristang pula kakomplut ang mga dilaw , rosas at media na biased upang pabagsakin na ang di nila kursunadang lider.

Ayaw kasi nilang umasenso ang Pilipino na kontrolado ng mga oligarkong amo nila.



Dahil na-ispoyld ang mga salot na ginawang panangga ang demokrasya,bababa sa trono si PDIgong na bitin ang mga proyektong plataporma niya sa masa tulad ng imprastraktura, pag-istap sa kurap at ang giyera kontra salot na droga.

Pati kalamidad at pandemya ay isinisi ng mgs pandemonyo sa kanya.

Ganoon kaangas ang mga ungas sa pasensyoso palang binansagang berdugo na nabigo sa misyong ililigtas ang bayan sa mga kawatang nagtapang- tapangan pero bluff lang naman.

Ngayon,papasok na ang bagong administrasyon ni President Bongbong.

Dahil lampaso sa balota manok nila,kabado uli ang mga pasaway,alam kasi nila, tunay ang tapang ng dati na nilang kaaway na Marcos.

Sa Hulyo 1 pa uupo ang bagong pangulo, sinusubukan na uli ang tapang-tapangan at ulot na hawakan ang punung- tenga ng pinunong kalaban.

Umeepal na silang bumira sa kunsinte ng biased media mga leftist na mga human rightist daw at demonstrador na silang tunay na perwisyo at teroristang traydor.

Sige lang, lumarga kayo sa inyong katarantaduhan hanggang katapusan ng buwan . Sa pagsimula ng Hulyo wala na kayong puwang sa bayang uusad na sa pag-asenso sa timon pag-upo sa trono ni Pangulong Bongbong… ABANGAN!

Lowcut- Shoutout sa kumpirmado nang pagsuporta sa ating adbokasiyang pagtuturo ng libre( Sports& Arts Clinic ) sa mga batang potensiyal sa larangan sa pangunguna ni POC president at Tagaytay City Mayor Abraham ‘ Bambol Tolentino ,swimming afficionado Joan Cacho Mojdeh ng Behrouz Persian Cuisine at kay Kurash Pilipinas prexy Rolan Llamas… Mabuhay!