Advertisers
Patay ang tatlong katao kabilang ang 1 anyos na bata na sakay ng tricycle nang salpukin ito ng kotse sa national highway ng Barangay Linmansangan, Binalonan, Pangasinan nitong Biyernes ng umaga.
Sa Imbestigasyon ng PNP Binalonan, umagaw ng linya sa kalsada ang kotse kaya bumangga ito sa tricycle na papunta sana sa palengke.
Sa lakas ng pagkabangga, tumilapon ang mga sakay ng tricycle na ikinasawi ng drayber na si Jimmy Basaen at anak nito na si Jimmark at kaibigan na umarkila sa tricycle na si Adelaida Dacuag.
Kinilala naman ang driver ng kotse na si Darwin James Federico, 19 anyos.
Yuping-yupi ang tricycle at wasak naman ang harapan ng kotse.
Lumalabas na mabilis ang takbo ng kotse kaya nawalan ng kontrol ang drayber.
Kinasuhan na ng reckless imprudence resulting in multiple homicide ang drayber ng kotse.