Advertisers

Advertisers

Sa patuloy na pagtaas ng gas at krudo…P2 DAGDAG PASAHE SA JEEPNEYS BUONG BANSA!

0 179

Advertisers

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang P2 dagdag pasahe sa jeep sa buong bansa.

Simula sa unang araw sa Palasyo ni President-elect Bongbong Marcos sa July 1, 2022 ay P11 na ang minimum fare sa jeepney sa buong bansa.

Batay sa desisyon ng LTFRB nitong June 29, 2022, inaprubahan ang mosyon ng mga transport group na 1-UTAK, PASANG MASDA, ALTODAP, ACTO, at ilan pang regional transport groups kaugnay sa kahilingan na dagdag-singil sa pasahe.



Sa unang bahagi ng Hunyo, inaprubahan ng LTFRB ang P1.00 provisional fare hike sa PUJs sa National Capital Region (NCR), Regions 3, at 4, nagtaas sa pasahe sa P10.

Inaprubahan din ng LTFRB ang pagtaas sa pasahe sa mga modern PUJs nationwide sa P13.00 mula sa kasalukuyang P12.00.

Magkakabisa ang naturang taas-pasahe sa July 1, 2022, ayon kay LTFRB Executive Director Tina Cassion.

“The Board is mindful of the present economic state of every Filipino brought about by the continuous rise in oil prices in the world market and the reeling effects of the COVID-19 pandemic,” saad ng LTFRB sa desisyon.

Kasama sa kautusan ng LTFRB sa mga jeepney operators at drivers na ibigay ang fare discount sa mga senior citizen at estudyante.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">