Advertisers

Advertisers

30-anyos patay sa sakal ng dyowa

0 395

Advertisers

Patay ang 30 anyos na babae na natagpuan sa loob ng CR sa isang Inn sa C.M Recto sa lungsod ng Davao.

Kinilala ang biktima na si Joan Balabagan Lintang, 30 anyos, kasambahay at residente ng Brgy. Malongon, Magsaysay, Davao del Sur.

Habang nasa kustodiya na ng San Pedro Police station ang salarin na nobyo ng biktima na kinilalang si Melarry Betil Gumanan, 35 anyos, walang trabaho at residente sa Marang Brgy. Tacul, Magsaysay, Davao del Sur.



Base sa pinagsamang imbestigasyon ng Magsaysay Davao del Sur PNP at San Pedro PNP Davao City, inamin ni Gumanan ang krimen kung saan sinalaysay nito ang nangyari.

Noong Hunyo 26, nagkasundo ang dalawa na pumasok sa Inn kung saan nangyari ang kanilang mainit na pagtatalo nang umatras ang babae sa plano sana na pamamanhikan ni Gumanan sa darating na Hulyo 7.

Hindi na napigilan pa ni Gumanan ang kanyang sarili at kanyang sinakal ang kanyang nobya na naging dahilan ng pagkamatay nito.

Itinago pa ni Gumanan ang bangkay ng biktima sa CR ng nasabing Inn bago ito tumakas pauwi sa Magsaysay.

Hunyo 26, alas-3:00 ng hapon, sumuko si Gumanan sa Magsaysay pulis rason ng pagkarekober sa bangkay ng biktima.



Ayon kay Mark Anthony Baltucon, kapatid ng biktima, emosyonal na pinahayag nito na plano pa sana ng kanyang ate na magtrabaho sa abroad upang matapos ang kanilang pinapatayong bahay para sa kanilang mga magulang.

Aminado ang pamilya na kanilang nakita ang pagsisisi ni Gumanan sa nagawa nitong krimen.