Advertisers
Patay ang isang radio block time anchor nang pagbabarilin ilang hakbang ang layo mula sa kanyang tirahan sa Area 2, Sitio Macanhan, Barangay Carmen sa Cagayan de Oro nitong Miyerkules, Hunyo 29.
Kinilala ng Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) ang biktima na si Federico Gempesaw, 62, radio block time anchor mula sa 106.3 Radyo Natin FM Cagayan de Oro.
Sa ulatm hindi pa nakikilalang mga salarin na riding in tanden.
Sinabi ni Major Mario Mantala Jr., hepe ng Carmen police station, na batay sa salaysay ng ilang testigo, nagkaroon ng komosyon bago pinagbabaril ng mga salarin ang biktima.
Lumalabas sa imbestigasyon na gumamit ang mga salarin ng kalibre 45 na pistola at nagtamo ang biktima ng mga tama ng bala sa kanyang kanang kilay at sa likod na bahagi ng kanyang ulo.
Idinagdag ni Manatala na ang gunman, batay sa salaysay ng ilang saksi, nakasuot ng brown striped shirt na may brown shorts at nakasuot ng helmet, habang ang driver naka-black jacket at naka-cap.
Sinabi ng hepe ng Carmen police na dumiretso ang mga salarin sa ibabang bahagi ng Barangay Carmen, dahilan upang agad na magsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at ang motibo sa pagpatay.
Samantala, mariing kinondena ng Cagayan de Oro Press Club (COCPO), sa isang pahayag ang pamamaril kay Gempesaw at hiniling sa COCPO na maglunsad ng masusing imbestigasyon upang matukoy ang motibo at ang mga suspek.
Bukod sa pulisya ng lungsod, tinawag din ng COPC ang National Bureau of Investigation (NBI) para maging katuwang ng COCPO sa pag-iimbestiga sa insidente ng pamamaril at nagpahayag ng pag-asa na makakarating din ang kaso sa Presidential Task Force on Media Killings.(Mark Obleada)