Advertisers
Nagpakamatay ang isang guro na miyembro ng LGBT nang ipagpalit ng nobyo sa iba sa Brgy. Lodlod, Batangas, Miyerkoles ng madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Meriel Magsino, 29, tubong Zone 9 ng nabanggit na bayan.
Sa salaysay ng kaibigang pari ng guro na si Father Johnsen Guevara, nag-chat pa sa kanya ang biktima 1:00 ng madaling araw na nagsabing magpapakamatay. Nang mabasa naman ito ng pari, nagmadali itong pumunta sa inuupahang bahay ng biktima kinaumagahan, subali’t wala umanong nasagot kaya’t umalis na din ito agad.
Nadiskubre naman ng mga kasamahang guro ang bangkay ng biktima na nakasandal sa tapat ng bintana na nakabigti at may sugat sa tiyan.
Nakuha rin ang isang suicide note malapit sa bangkay.
Kaugnay nito inalis na ng mga otoridad ang anggulong foul play dahil wala umanong bakas at indikasyon na nanlaban ang biktima at inabsuwelto rin sa kaso ang kaibigang pari base sa mga nadiskubreng chat at text sa cellphone ng biktima.(Koi Laura)