Advertisers
PORMAL na nagtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kahapon sa simbolikong turnover ceremony ng kapangyarihan sa Malacanang kahapon ng bagong halal na pangulong si Pres.Ferdinabd ‘Bongbong Marcos,Jr.
Hindi matatawaran ang naging legasiya ng dating Davao City mayor sa anim na taong singkad ng pagiging pangulo ni Duterte tampok ang kabuhayan ,imprastraktura,giyera kontra pandemya at iligal na droga at ang markadong tagumpay ng larangan ng sports ng bansa sa international competitions.
Sa mga nakaraang pangulo ng bansa mula noong EDSA revolution,tanging si Duterte ang kinakitaan ng malasakit sa Philippine sports.
Pag-upo ni PDigong sa Malacanang ay ninombrahan niya ang kanyang sports czar sa Davao City at pinabalik sa Philippine Sports Commission si William ‘Butch’ Ramirez bilang chairman.
Bilang sports minded na leader iniatang ng Pangulo sa balikat ni Ramirez ang lahat ng mabuting gawin upang magtagumpay ang Pilipinas sa mga international competitions mula Southeast Asian Games,Asian Games ,World Games hanggang Olympics.
Gayundin ang grassroots program na tutuklas ng mga potential na atletang mag-aalay ng karangalan sa bansa.
Katuwang ang noo’y special assistant to the president(SAP) at ngayon ay Senate Sports Committee head Senator Bong Go,naipatupad ni Chairman Ramirez ang programa at malasakit sa mga atleta sa kanilang buong termino.
Mataas na adrenaline,tapang determinasyon at patriotismo ang puhunan ng mga atlng mga atleta na sinuklian naman ng medalya ng karangalan.
Bukod sa kaukulang allowances ay may mga insentibo ang inilalaan ng pamahalaan sa timon ng government sports agency na PSC sa bawat tagumpay ng atletang Pinoy kaagapay din ang POC ,NSA’s at espesyal na pabuya mula kay PRRD.
Tampok sa tagumpay ay ang mapagwagian na ang makasaysayang kauna-unahang gintong medalya sa Olimpiyada para sa Pilipinas kortesiya ni heroine lady weightlifter Hidilyn Diaz pati na ang silver at bronze medals ng ating Olympic boxers na sumabak sa Tokyo,Japan.
Nauna dito ang overall championship ng bansa noong 30th Southeast Asian Games Philippines 2019, world championships nina gymnast Caloy Yulo at pole vaulter EJ Obiena at iba pang pamanayagpag sa eksenang international sports sa iba pang disciplines sa buong termino ni Duterte.
Ngayon ay citizen Duterte na ang pangulo na kuntento na rin sa kanyang naging legasiya sa mamamayan kabilang na ang sports sa mahusay na kumpas ni Ramirez.
“Sana po ay maipagpatuloy ng bagong administrasyon ni PBBM ang napakagandang programa ni PRRD sa sport na gold,gold,gold tulad din ng pagtuloy ng imprastrakturang build,build,build”, pahayag ng premyadong atletang Pinoy na ayaw nang pabanggit ng pangalan.