Advertisers

Advertisers

Pres. Marcos tiniyak na ‘di mapapako ang mga pangako

0 206

Advertisers

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi mababalewala ang kanyang mga ipinangako noong kasagsagan ng halalan.

Sinabi ito ni Marcos matapos na pormal na manumpa bilang ika-17 presidente ng Pilipinas sa makasaysang lugar ng National Museum of the Fine Arts sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Marcos, panahon na para suklian kung ano ang pangangailangan ng taongbayan at gagawin niya raw ang lahat para ito ay magawa.



Sa kanyang 25 minuto na talumpati binigyang diin nito na ang kanyang pagkaluklok ay hindi upang balikan ang nakaraan kundi ang kinabukasan.

“I am here not to talk about the past, I am here to tell you about our future. A future of sufficiency, even plenty of readily available ways and means to get done what needs doing by you, by me,” ani Marcos.

“We do not look back but ahead. Up the road that we must take to a place better than the one we lost in the pandemic. Gains made and lost, opportunities missed, well-laid plans superseded by the pandemic,” pahayag ni Marcos.

Iginiit nito na maraming magagawa para matiyak ang maayos na kinabukasan lalo na at marami ang nawala at naperhuwisyo dahil sa epekto ng COVID pandemic.

Kabilang din sa tinalakay nito ang napabayaang sektor ng agrikultura na kanyang bibigyang pansin, ang epekto ng giyera sa Ukraine at patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.



Nagpahapyaw din ito sa mga kritiko ukol naman sa mga gagamitin sa pag-aaral ng mga bata sa paaralan.

Matatandaang una nang nangangamba ang ilang sektor na baka baguhin ang kasaysayan lalo na sa mga libro na ituturo sa mga bata ukol sa isyu ng martial law.

Sinabi ni Marcos na ang ninanais niya ay back to basics, lalo na sa mga sciences, theoritical aptitude at vocational skills.

Ipinagmalaki niya na katuwang nya rito ang kanyang Vice President Sara Duterte na hahawakan din ang DepEd.

Kasabay nito, nangako rin naman ang bagong pangulo na sapat na anim na taon upang magkaroon ng malaking pagbabago sa bansa. Lahat umano ng mga lugar sa bansa ay titiyakin niyang hindi pababayaan.