Advertisers
SA Lunes, July 4, bubuksan uli ng Commission on Elections (COMELEC) ang voter registration para sa mga bagong botante, mga na-deactivate, maglilipat ng kanilang address o magbabago ng mga personal na impormasyon para makaboto sa Barangay at SK Elections sa Disyembre 5, 2022.
Bukas ang tanggapan ng mga Election Officer para sa mga magpaparehistro mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, Lunes hanggang Sabado kasama ang pista opisyal na tatagal ng July 23 ng taon, batay narin sa Resolution 10798 ng Comelec.
Maaari namang gawin ng Election Officer sa mas maluwag na lugar ang pagpapatala ng mga botante salig sa pag-apruba ng Provincial Election Supervisor at kumpirmasyon ng Regional Election Director
Sa desisyon ng Comelec en banc, sinasabing pagsapit ng 3:00 ng hapon ng July 23, ililista ang pangalan ng mga nakapila ng mga magpaparehistro sa loob ng 30 meter radius ng registration area upang makahabol sa kanilang pagpapatala.
Kailangan lamang na naroon sa pila ang mga magpapatala kapag sila ay tinawag para maproseso ang aplikasyon. (Jocelyn Domenden)