Advertisers
Inaresto ng mga elemento ng Philippine National Police Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP-IMEG) ang isang aktibong pulis na wanted sa kasong carnapping sa isinagawang operation sa Cotabato City.
Kinilala ang inaresto na si Pat Jassim Muhammad Plaza Aking, nakatalaga sa Regional Mobile Force Batallion, Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO BARMM).
Ayon kay Bgen Samuel C. Nacion, Dir PNP-IMEG, 2:00 ng hapon ng arestuhin ng mga elemento ng IMEG Mindanao Field Unit Team BARMM, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) BARMM, 44th Special Action Company, Regional Highway Patrol Unit (RHPU) BARMM at Counter Intelligence Unit Cotabato City and Peace and Security Team Cotabato na ilalim ng Office of the Presidential Adviser on the Peace and Process (OPAPP) sa 28th Purok Pinnen Rosales Street, Rosary Heights VI, Cotabato City.
Inaresto si Pat Aking sa bisa ng 2 warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016 ) na mayroon piyansang P 300,000.00 bawat isa na ipinalabas ng korte noong June 9, 2022.
Nabatid na ipinagharap si Pat Aking ng reklamo nina Jacob Gali Malinga, 65 anyos, ng Sitio Kinagatan, Kalanganan II, Cotabato City nang tangayin o nakawin ang kanyang Honda XRM na mayplakang Plate No. 2817 JS, na nagkakahalaga ng P35,000.00; at kay Julieto Eden Gornez Jr., government employee ng Purok 9, Barangay Gumaga, Libungan, North Cotabato ng carnapping ang kanyang kulay brown na pick-up Mitsubishi Estrada na mayplakang LGN 882 na nagkakahalaga ng P750,000.00.
Dinala ang suspek sa CIDG BARMM Office, Pedro Colina Hill, Cotabato City para sa documentation at processing bago iharap sa korte na naglabas ng warrant of arrest.