Advertisers

Advertisers

MAG-INANG AGUILAR, NANUMPA BILANG MAYOR AT VICE-MAYOR NG LAS PINAS

0 334

Advertisers

NANUMPA na sa kanilang tungkulin sina Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar at anak nitong si Vice Mayor April Aguilar, na ginanap sa tanggapan ng punong lungsod, Las Piñas City Hall noong huwebes.

Ang mag-inang Aguilar ay pormal na nanumpa sa harap ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Elizabeth Yu-Guray kasama ang iba pang nanalong konsehal sa nakalipas na pambansa at lokal na halalan noong Mayo 9.



Nangako si Mayor Aguilar na lalo nitong pag-iibayuhin ng maayos ang kanyang pagseserbisyo sa mga constituents para sa ikatlo at huling termino bilang alkalde ng lungsod.

Ito ay sa pamamagitan ng “Tuloy ang Tapat at Progresibong Serbisyo” program.

Sinabi pa ni Mayor Aguilar na sa kanyang huling termino ay lalong tututukan nito ang mga serbisyong pangkalusugan partikular na ang pagbabakuna upang maprotektahan ang mamamayan laban sa Covid-19.

Naniniwala rin si Mayor Aguilar sa mga halal na konsehal ng City Council sa ilalim ng pamumuno ni Vice-Mayor April na mas pag-iigihan pa ang kanilang pagtatrabaho at patuloy sa pagtataguyod ng mga resolusyon at ordinansa upang maging progresibo o maunlad ang nasabing lungsod.

Ayon pa sa mag-inang Aguilar, ang nasimulan nilang tapat na serbisyo ay kinakailangan lamang  na doblehin ang mga hakbang para sa mas magandang benepisyo ng mga Las Piñeros.



Kasama din sa oathtaking ceremony ng District 1 ang mga Councilors na sina Mark Anthony G. Santos; John Jess Anthony C. Bustamante; Felimon A. Aguilar III; Rex H. Riguera; Oscar C. Peña at Florante S. Dela Cruz habang sa District 2 Councilors ay kinabibilangan nina Henry C. Medina; Luis I. Bustamante; Ruben C. Ramos; Lord Linley R. Aguilar; Danilo V. Hernandez at Emmanuel Luis C. Casimiro. (JOJO SADIWA)