Advertisers

Advertisers

Sa Day 1 ng Marcos Admin…5-YEAR TERM AT REELECTION NG PANGULO IKINASA!

0 261

Advertisers

INIHAIN sa Kamara ang isang panukala na nagre-rebisa sa termino ng pangulo sa limang taon at nagpapahintulot sa muling halalan para sa isa pang limang taong termino.

Ang panukalang batas, na inakda ni Pampanga Representative Aurelio Gonzales Jr., ay inihain isang araw pagkatapos ng inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang isang pangulo ay maaari lamang maglingkod sa loob ng isang termino ng anim na taon at hindi maaaring muling mahalal.



Gayunman, ikinatuwiran ni Gonzales na ang napakalaking tagumpay nina Marcos at Vice President Sara Duterte na nakatanggap ng 31 milyon at 32 milyong boto, ayon sa pagkakasunod, ay katumbas ng pagpayag ng mga tao para baguhin ang Charter, kabilang ang mga limitasyon sa termino.

Ang panukala ni Gonzales, bukod pa sa pagpapahintulot sa muling halalan para sa isang nakaupong pangulo, ay nagsasaad din na ang mga tao ay maghahalal ng pangulo at bise presidente mula sa parehong partido.

Layunin din ng panukalang batas na baguhin ang termino ng mga senador, miyembro ng House of Representatives, at mga lokal na opisyal.