Advertisers
INIULAT ng Bureau of Treasury (BTr) nitong Biyernes na bahagyang bumaba ang utang ng Pilipinas ng 2.1% sa pagtatapos ng Mayo.
Nabatid na umabot sa P12.50 trilyon ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Mayo.
Ayon sa BTr, ang bahagyang pagbaba ng utang ay dahil sa pagbabayad ng mga provisional advance mula sa Central Bank.
“The increment in external debt was attributed to the impact of local and foreign currency fluctuations against the USD,” paglalahad ng BTr.
Ayon pa sa BTr, sa naturang halaga, 30.7% ang external o foreign debt habang 69.3% ang domestic debt.
Nagkakahalaga na ngayon ng P8.67 trilyon ang domestic debt habang P3.83 trilyon ang foreign debt. (Josephine Patricio)