Advertisers

Advertisers

Heart inokray ang boobs, rumesbak sa basher

0 317

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA socmed ni Heart Evangelista ay nag- post ito ng very sexy photo.
As in, grabeng pagka-sexy ang photo na ini upload para ma-post sa Twitter account ni Heart.
Pero may isang basher na pinagtripan at pinag-initan ang nananahimik na boobs ni Heart at inokray.
Ayon sa basher, puro boobs na lang daw ni Heart ang nakikita sa kanyang post.
Kaya resbak nito na halos lahat naman daw mapa-lalake or babae ay may dibdib.
Ano nga raw pakialam ng basher kaya biglang sabi ng Kapuso actress na ‘ang labo mo tol’ na balik okray ni Heart sa basher.
Nalaman na solid basher nga raw ni Heart ang nasabing netizen.
Kaya kumuda ang fan ni Heart na huwag na lang daw patulan ang basher na walang kuwentang tao.
Pati nga raw nananahimik na boobs ni Heart ay pinakikialaman pa.
***
Pagre-resign ni Alex sa LOL naging pulutan sa SNN
TAKANG-taka ang netizens sa biglaang pagre-resign daw ni Alex Gonzaga sa Lunch Out Loud (LOL) ng TV5.
Napag usapan sa Showbiz News Now ang mga kadahilanan na para sa netizens ay napakababaw.
Dahil ire-re programing na lang ang LOL dahil sa It’s Showtime inisip daw ni Alex na hindi na sila magiging prayoridad o baka mabelewala na ang kanilang show.
Dahil halos lahat ng host ng It’s Showtime na namamahala ay ABS-CBN ay mga sikat kumpara sa LOL.
Dahilan para mabawasan ng kinse minutos ang oras ng Lunch Out Loud nina Alex.
Ano naman daw ang kinse minutos na binawas para mag-resign ito.
Dagdag reason pa ay itong nagplaplano na sila ng mister na konsehal na magka-baby na siya niyang priority.
Kaya balik vlog na lang daw si Alex na mas malaki pa ang kita sa LOL pero sa lahat ng host ay highest paid naman nga si Alex.
May isang buwan pa nga raw bubunuin si Alex pero bigla na lang itong nag-disappear sa nasabing noontime show.
Hindi makita ng netizens na may katuwiran ang biglaang pagre-resign ni Alex dahil sa kanyang mga kadahilanan.
Pero naispatan nung Lunes na sumipot na ito sa noontime show.
Well, well, well.. ‘Yun na!