Advertisers

Advertisers

HATOL SA EX-PNP CHIEF, 5 PANG TOP OFFICIALS PINAGTIBAY NG SANDIGANBAYAN

0 268

Advertisers

PINAGTIBAY na ng Sandiganbayan ang hatol kay ex-Philippine National Police (PNP) chief Jesus Verzosa at 5 pang mga personalidad na dawit sa kasong katiwalian sa pagbili noon ng P131.5 million na halaga ng mga police rubber boats (PRBs) at outboard motors (OBMs) noong taong 2009.

Sa inilabas na promulgasyon ng kaso ng Third Division ng Sandiganbayan, sinabi nito na wala namang mga bagong isyu na inilabas ang mga akusado doon sa kanilang mga motions for reconsideration at pag-uulit lamang sa mga dating argumento na idinulog na.

Ayon sa korte ang naturang mga usapin na natalakay na ng husto ng korte at nasagot na kaya pawang mga duplications na lamang ang mga hirit sa mosyon.



Ibinasura ng graft court ang mga mosyon dahil sa lack of merit.

Magugunita na noong June 25, 2021, ay hinatulan ng Third Division ng Sandiganbayan sina Gen. Verzosa at mga PNP top officials na sina Benjamin Belarmino Jr., Jefferson Soriano, Luizo Ticman, Romeo Hilomen, at Villamor Bumanglag ng anim hanggang walong taon na pagkakakulong.



Ang dating Police Director Ronald Roderos, na miyembro ng PNP National Headquarters (NHQ)-Bids and Awards Committee (BAC), ay inabswelto bunsod daw ng kabiguan ng prosekusyon na madiin ito sa kaso dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Nag-ugat ang kontrobersiyal na kaso sa pagbili ng PNP ng umaabot sa 75 police rubber boats (PRBs) at nasa 93 mga outboard motors (OBMs) mula sa kompaniyang EnviroAire Inc., Geneve SA Philippines, at sa Bay Industrial Philippines Corp. sa kabila umano na hindi naman pumasa ang mga suppliers sa eligibility tests.



Ang naturang mga nabiling mga items mula sa tatlong mga suppliers ay nabigo rin daw na masunod ang mga specifications na itinakda ng National Police Commission kaya pawang hindi mga “functionally compatible ang mga ito.”

Ang ponente sa naturang desisyon ay si Associate Bernelito Fernandez habang pinaboran din ito ng Presiding Justice o Chairperson na si Amparo Cabotaje-Tang at Associate Justice Ronald Moreno. (Josephine Patricio)