Advertisers

Advertisers

Van vs tricycle: Mag-iina, patay, 4 sugatan

0 214

Advertisers

Patay ang mag-iina, habang apat ang sugatan nang magka-salpukan ang isang tricycle at XLT van sa kahabaan Maharlika/Cagayan Valley Road ng Brgy, Buliran sa bayan ng San Miguel, Bulacan.

Kinilala ang mga sugatan na sina Vanessa Francisco Maniquiz, 22; Haidee Francisco dela Cruz 13; Lara Capulong Ramos 10; at Jacob Elias dela Cruz 1 year old.

Habang nasawi sa trahedya si Nanay Monica Ramos 29; anak nito na sina AJ, 5 anyos; at Miguel 7 anyos na kapwa lalaki



Sa report, nangyari ang banggaan ng tricycle at XLT van bago mananghali, ng Hulyo 20.

Sa inisyal na report ni PSSg.Jose Ryan Vendil , nabatid na ang mga pasahero ng tricycle patungo sa Brgy. Buliran para magpabakuna kontra COVID-19 virus.

Agad dinala sa San Miguel District Hospital ang mga sugatan para sa paunang lunas, kalaunan inilipat sa PJG Hospital sa Cabanatuan City.

Habang sumuko naman sa mga awtoridad ang driver na si Angelino Paras, 61 anyos ng Brgy, Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija na nahaharap sa kasong Multiple Homicide and Multiple serious Physical injuries.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">