Advertisers
PATAY ang isang albularyo matapos tagain sa leeg ng 27-anyos na anak na lalaki sa Barangay Villahermosa, Rapu-Rapu, Albay, Biyernes ng umaga.
Kinilala ang biktima na si Antonio Buemia Bechayda, 61 anyos.
Ayon sa Albay Police Provincial Office, nag-ugat ang pananaga nang komprontahin ng ama ang anak sa nawawalang isang libro na gamit sa paggamot.
Nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang mag-ama hanggang sa bigla nalang tinaga ng anak sa leeg ang ama na agad nitong ikinamatay.
Agad namang sumuko ang anak na nakatakdang sampahan ng kasong parricide nitong Sabado.