Advertisers

Advertisers

Ex-vice mayor sa Quezon patay sa ambush sa Laguna

0 332

Advertisers

San Pablo City, Laguna – Patay sa pananambang ang dating bise alkalde ng bayan ng Dolores, Quezon, Biyernes ng gabi sa Seven Street, Barangay San Francisco ng lungsod na ito.

Kinilala ang biktima na si Danilo Amat, isa ring negosyante at kumandidatong mayor nitong nakaraang election pero natalo kay Mayor Orlan Calayag.

Sa inisyal na report ng San Pablo City Police Station, sakay ng kanyang Ford Mustang na kulay pula ang biktima nang harangin at paputokan ng sunod sunod ng hindi nakilalang mga salarin.



Nagtamo ng mga sugat sa kanyang likod ang biktima, na nadala pa sa San Pablo City General Hospital ng mga nagmalasakit na taumbayan, subalit dead on arrival sa pagamutan.

Mabilis na tumakas ang mga salarin.

Dati na umanong nakakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima, ayon sa ilang kamag- anakan nito.

Inaalam pa ng mga otoridad kung may kinalaman sa pulitika o negosyo ang pamamaslang sa dating bise alkalde.(KOI LAURA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">