Advertisers
PATAY ang dating alkal-de sa Basilan, kanyang executive assistant at isang security guard sa pamamaril sa loob ng Ateneo de Manila University campus sa Quezon City, habang naghahanda sa kanilang Commencement Exercises ang mga magsisipagtapos ng abogasya nitong Linggo ng tanghali.
Ang mga nasawi ay si dating Lamitan, Basilan mayor Rose Furigay, kanyang executive assistant na si Victor Booc Capis-trano at security guard ng unibersidad. May apat pang sugatan sa insidente.
Ayon sa ulat, target ng salarin si Furigay dahil sa matagal na nilang alitan at nadamay sa pamamaril ang kanyang alalay na si Capistrano. At nang nagtangka lumapit ang security guard ay pinutukan din ito.
Nahuli naman ng mga pulisya ang gunman na nakilalang si Dr. Chao Tiao Yumul nasa kostudya na ng Quezon City Police.
Nangyari ang pamamaril sa may bahagi ng Arete Theater ng Ateneo kungsaan isasagawa ang graduation bandang 4:00 ng hapon.
Dahil sa nangyari, ipinagpaliban muna ang 2022 Commencement Exercises ng Ateneo Law School kungsaan ang nakatakdang Guest Speaker ay si Supreme Court (SC) Chief Justice Alexander Gesmundo.
Ayon kay SC Spokesperson Brian Hosaka, papunta na sa unibersidad si CJ Gestmundo nang mabalitaan ang pangyayari. Kaya bumalik nalang ito.