Advertisers

Advertisers

HALOS 2.6-M BAGONG BOTANTE PARA SA BGY/SK ELECTIONS – COMELEC

Mamamayan sabik na; Comelec handa na sa Dec. 5 BSKE

0 203

Advertisers

IPINAHAYAG ng Commission on Elections (Comelec) nitong Sabado na umaabot na sa halos 2.6 milyon ang mga bagong botante na kanilang naitala para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na idaraos sa bansa sa Disyembre 5, 2022.

Sinabi ni Comelec Spokesperson Rex Laudiangcona hanggang Hulyo 22 (Biyernes), ang ika-17 araw ng voter registration, ay nakapagtala na ang poll body ng 2,593,909 bagong botante.

Ayon kay Laudiangco, sa naturang bilang ay 1,615,144 ang mula sa 15 to 17 age group; 840,085 ang nasa-edad 18 to 30; at 138,680 ang kasama sa age bracket na 31-taon gulang pataas.



Nakatanggap rin, aniya, ang poll body ng aplikasyon para sa paglilipat ng rehistro mula sa ibang lungsod o munisipalidad, kabilang ang 450,415 na barangay voters; at 4,194 Sangguniang Kabataan (SK) voters.

Sa kabuuan, sinabi ni Laudiangco, mayroon silang 3,431,932 aplikasyon na naiproseso.

Inaasahan aniyang madaragdagan pa ang naturang bilang ng mga bagong botante dahil ang huling araw ng parehistruhan para sa halalan ay nagtapos nitong Sabado lamang, Hulyo 23.

Nanindigan na ang Comelec na hindi na palalawigin pa ang voters registration para sa Barangay at SK polls. (Andi Garcia)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">