Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
MAY isang netizen na may username na @YesYesyo13 ang nag-tweet na i-boycot ang upcoming series ng ABS CBN na Darna, na bida si Jane de Leon. Ito ay dahil isa raw Kakampink si Jane.
Si Leni Robredo kasi ang sinuportahan ni Jane noong nakaraang eleksyon
Tweet ni @YesYesyo13 published as is: “Guys, let’s give the Kakampwets a taste of their own cancel culture. PINK SI @Imjanedeleon. LET’S BOYCOTT DARNA!!”
May mga tagasupotta naman ni Jane ang nag-comment at ipinagtanggol ang aktres.
Sabi ng mga ito, para raw isip- bata itong si yes,yes,yo. Porke’t daw ba Kakampink si Jane ay ipapa-boycot na nito ang Darna.
Sabi naman ng mga maka-Leni, i-boycot din daw ang Made In Malacanang kapag ipinalabas na ito
Ang nasabing pelikula ay tungkol sa 72 hours ng mga Marcoses sa loob ng Malacanang bago sila tumakas noong 1986 papuntang Hawaii.
***
NOONG Hulyo 17, Linggo ng madaling-araw, isinugod si Lolit Solis sa FEU-NRMF Medical Center, Novaliches, Quezon City.
“Bandang 3:00 a.m., napansin ng kasama ko sa bahay na nag-i-slur ako,” sabi ni Manay Lolit sa exclusive interview sa kanya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).
Hindi raw nakapagsalita kaya dinala na sa ospital si Manay Lolit
Maraming gustong dumalaw kay Manay Lolit ang tinanggihan niya.
Paliwanag niya,”Naku, gustung-gusto ko silang dumalaw actually, di ba?!
“Siyempre! Nata-touch nga ako dun sa mga nagte-text, nagpapadala ng message. Anung-ano talaga ako, talagang touched na touched ako.
“Pero pinapagalitan na ako ng doktor ko, ‘no?! Baka mamaya, yung mga doktor ko, layasan na ako!
“Mamaya, nasa kalye na ako, wala nang gumagamot sa akin
“Complete rest daw. E, siyempre dahil nga taga-showbiz naman tayo, sanay tayo ng tsuk-tsuk na ang dami-daming ano,” natatawang sambit pa ni Manay Lolit.