Advertisers

Advertisers

Nadine kamay lang ang takip sa boobs sa nude photos; Juday, Iza at Angel pasok sa entourage ng kasal ni Hidilyn

0 264

Advertisers

Ni BETH GELENA

SA July 26 na ang kasal ni Hidilyn Diaz sa kanyang coach-boyfriend na si Julius Naranjo.
Ikakasal sila sa Baguio City.
May mga invited guests na artista ang dalawang kilalang personalidad kaya inaasahang magiging star studded ang kasal ng Olympic weightlifter at fiance na si Julius.
Pinangalanan nina Hidilyn at Julius ang mga artistang dadalo sa kanilang kasal na gaganapin sa Hulyo 26 sa Baguio City.
Kabilang sa kanilang entourage ang mga aktres na sina Judy Ann Santos, Angel Locsin at Iza Calzado.
“Kasi siyempre naghahanap tayo ng inspiration eh, sa wedding, sa marriage,” paliwanag niya kung bakit ang tatlong aktres ang napili niyang imbitahan.
“Si Judy Ann ay mahigit 13 taon nang kasal sa kanyang asawa na si Ryan Agoncillo, habang si Iza naman ay tatlong taon nang kasal sa kanyang mister na si Ben Wintle.
Samantala, ikinasal naman si Angel sa kanyang asawang si Neil Arce noon lamang 2021. Dagdag ni Hidilyn, bukod sa mga bituin ay imbitado rin sa kanilang kasal ang newscaster na si Atom Araullo at mang-aawit na si Arman Ferrer.
Sa Philippine Military Academy sa Baguio ang venue ng kasal.
Eksakto isang taon na nang manalo sa Tokyo Olympic si Hidilyn ng Gold medal para sa weightlifting.
***
MAY posted pictorial nude photo si Nadine Lustre.
Ang nasabing nude pictorial ay kinunan sa beach sa Siargao.
Ang Siargao-based fotog na si Wang Borja ang kumuha ng mga larawan ng aktres na nakahubad.
Sa Instagram page ni @wangborja ay pinost niya ang snap shots ni Nadine saka sinulatan ng caption, “let life unfold itself.”
Ang kanta ni Nadine na Wildest Dreams ang background music habang pini-pictorial siya nang nude.
Makikita sa isang larawan na nakalutang ang katawan ng aktres sa tubig habang ang dalawa niyang kamay ay naka-cover sa kanyang boobs.
In another photo, Nadine appears to not be wearing her bottom part of her bikini, with the shore in her background.
Hindi pa nashi-share ni Nadine sa kanyang Instagram account ang nude photos.
Ang mga kuhang larawan ni Borja ang first time na nagpakuha ng nude or partly nude si Nadine.
Komento ng netizens, “Gorgeous.”
Isang netizen ang nagtanong, “Are these photos for an e-mag editorial spread or for what?”
“I don’t have what she has, so I wud say she’s gorgeous & SEXY!!!”
“Desperation over morals”
“Anong kinalaman ng morals? D naman bastos yung photos.
“It’s ART, darling!!!wag kang ganyan!=D”
Opinyon naman ng isang commenter, “They don’t look bad… but whyyyy??? Leave that to the starlets or mga hubaderang pakawala sa social media. You could’ve stayed classy Nadine.”
“Nadine sana yung Darna. I love her carefree personality with palaban attitude. She is a modern Filipina na strong, constantly evolving, and has principles like taking care of our environment.”
“Mas exciting kung sya si Darna.”
“maganda pagkagawa. not cheap. and anyways, if the kardashians kan do it why not the filipinos?”
“Tetchie Agbayani of this generation.”
“Tinalo ang pa cover ng Tanduay at Ginebra at FHM ni Nadeng hahaha”
***
COCO NAMAALAM NA SA PAGTATAPOS NG ‘ANG PROBINSYANO’
Magsisimula nang mag-count down para sa finale exit ang FPJs Ang Probinsyano, ayon sa ABS-CBN news.
Nung July 22, bago magtapos ang episode ng aksyon serye ni Coco Martin ay nagpaalam na siya sa mga Ka-Probinsyano.
Aniya, “Dumating na po ang oras, ang programang minahal ninyo ng pitong taon ay nalalapit na po ang pagtatapos.
“Malungkot man na tayo ay maghihiwalay, pero walang hanggang pagsasalamat ang aming nararamdaman.
“Nagbago man ang mundo nandyan pa rin kayo.
“Kahit naman po matapos ang teleseryeng ito hinding hindi po matatapos ang pagmamahal namin sa inyo.
“Kaya kapIt lang sa huling tatlong Linggo. Ito po ang FPJs Ang Probinsyano ang pambansang pagtatapos.”
Sa totoo lang, maraming televiewers ang nalungkot at ang iba ay napaiyak sa pamamaalam ni Coco.
Ang longest running drama series, Ang Probinsyano ay consistent sa pagiging. No. 1 sa loob ng limang taon hanggang nag-shutdown ang ABS-CBN nu’ng 2020.
Kahit anong programa ang itapat kay.Cardo Dalisay, malaki man ang mga artista ay hindi kayang pataubin ang programa.
Nag-migrate sa digital platforms ang Kapamilya, pero ganun pa rin ang suma, hindi pa rin napatibag si Cardo.
The series steadily regained its viewership over the past two years, crossing 300,000 concurrent viewers on YouTube alone in recent weeks.
Sa pag-exit ni Cardo ay darating naman si Darna na ang premiere date ay sa August 15 na, Lunes.