Advertisers
IBINASURA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang batas na magpapalakas sa Office of the Government Corporate Counsel.
Ito ang Senate Bill 2490 at House Bill 9088 na an Act Strengthening the Office of the Government Corporate Counsel (OGCC) By Rationalizing and Further Professionalizing Its Organization, Upgrading Positions and Appropriating Funds Therefor.
Pahayag ni Press Secretary Trixie Angeles, nakitaan kasi ng Pangulo na magiging sobra-sobra lamang ang bayad na ibibigay sa mga abogado ng OGCC.
“The President cites, among others, the excessive remuneration to be given the OGCC lawyers, the grant of supervision and control over legal departments of government corporations, the distortion of the relationship with the Secretary of Justice, and the possible violation of the One Trust Fund policy of the government,” ayon kay Angeles.
Binigyang-diin naman ng Pangulo na kinikilala niya ang kahalagahan ng trabaho ng mga abogado ng OGCC pero magiging sobra na ang mga insentibo at iba pang benepisyo na matatanggap ng mga ito.