Advertisers

Advertisers

Ayuda ni Bong Go sa Valenzuela, umariba

0 222

Advertisers

Nagsagawa ng dalawang araw na relief operation ang grupo ni Senator Christopher “Bong” Go sa Valenzuela City para sa 1,000 indigents kamakailan, bilang bahagi ng kanyang patuloy na pagsisikap na suportahan ang mas maraming Pilipino na apektado ng patuloy na krisis sa kalusugan ng buong mundo.

Ang mga aktibidad ay ginanap sa Karuhatan West Elementary School gymnasium kung saan ang pangkat ng senador ay namigay ng mga mask at pagkain sa bawat residente, at nagbigay ng mga bisikleta, computer tablet at sapatos sa mga piling indibidwal.

Samantala, ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development ay nagpaabot ng tulong pinansyal sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation program nito.



Sa kanyang video message, pinayuhan ni Go ang publiko na patuloy na sumunod sa health protocols at hinikayat ang mga karapat-dapat na makilahok sa national vaccination program. Tiniyak niya na ang pamahalaan ay nagsusumikap upang matiyak na ang bawat Pilipino ay protektado laban sa matinding sintomas ng COVID-19.

“Napakahirap po talaga ng panahon ngayon. Yung kalaban po natin na COVID-19 ay hindi nakikita kaya nakikiusap po ako sa inyo mga kababayan ko na patuloy lang ang inyong kooperasyon at suporta sa gobyerno at malalagpasan din po natin itong lahat,” ayon kay Go.

“Kapag ang bakuna po ay available na po sa inyong mga lugar at kayo po ay qualified na, nakikiusap po ako na magpabakuna na po kayo. Magtiwala po kayo sa gobyerno, magtiwala po kayo sa bakuna, ito ang susi natin ngayon para makabalik tayo sa normal na pamumuhay,” apela niya.

Nag-alok din si Go ng karagdagang tulong sa mga residenteng may problema sa kalusugan sa paghikayat sa kanila na bisitahin ang alinman sa 31 Malasakit Centers sa Metro Manila, kabilang ang mga nasa Valenzuela Medical Center (VMC) at Valenzuela City Emergency Hospital (VCEH).

Pangunahing inakda at itinataguyod ni Go, ang Republic Act No. 11463, o kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, ay nag-uutos sa pagtatatag ng Malasakit Centers sa lahat ng ospital na pinangangasiwaan at pinamamahalaan ng Department of Health, kasama ang Philippine General Hospital.



Gayundin, ang mga ospital na pinamamahalaan ng mga local government units at iba pang pampublikong ospital ay maaaring magtatag ng sarili nilang Malasakit Centers basta’t natutugunan ang standard set of criteria at ginagarantiyahan ang pagkakaroon ng pondo para sa pagpapatakbo ng kanilang mga center, kabilang ang maintenance, personnel at staff training nito, kasama ng iba pa. Sa kasalukuyan ay mayroong 151 Malasakit Centers na nakatutulong sa milyon-milyong Pilipino sa buong bansa.

Upang makatulong sa pagpapalakas at pag-unlad ng lungsod kahit sa gitna ng pandemya, sinuportahan ni Go ang pagtatayo ng Valenzuela Center for Academic Excellence, pagkuha ng mga unit ng ambulansya para sa pamahalaang lungsod at pagtatayo ng multipurpose building sa Brgy. Canumay Kanluran.

Pinasalamatan ni Go ang mga lokal na opisyal ng Valenzuela City sa kanilang patuloy na serbisyo upang matulungan ang komunidad nito na buuin muli.

Noong Hulyo 20, hiwalay na nagbigay ng tulong ang isa pang pangkat ni Go sa mga nasunugan sa Brgy. Marulas sa lungsod.###