Advertisers

Advertisers

Hepe ng NBI-Zambo, patay sa sariling baril

0 299

Advertisers

Patay ang Chief ng National Bureau of Investigation Zamboanga Sibugay ng tamaan ng bala sa dibdib ng aksidete pumutok nililinis nitong baril sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Kinilala ang biktima na si Akmat L. Sampang, 59, Chief, NBI of Zamboanga Sibugay Province, ng Barangay Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay Maj. Shellamie Chang, spokesperson ng PRO9M, 8:00 ng umaga nang maganap ang aksidente sa bahay nito sa Brgy. Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay.



Sa report, nililinis ng biktima ang issued fireamrs na Glock cal 40 pistol ng utusan ang kanyang live in partner na bumili ng buko juice.

Nang bumalik ng bahay ang live in partner, laking gulat na nakahandusay at duguan ang biktima na mayroon tama ng bala sa dibdib habang nasa tabi nito ang nililimis na baril.

Agad naman humingi ng tulong ang live in partner sa mga kapitbahay at mabilis na isinugod sa Zamboanga Sibugay Provincial Hospital.

Idineklarang patay ang biktima ni Dr. Alrasid Sauti attending physician habng nilalapatan ng lunas.

Narekoner ng mga otoridad ang cal 40 Glock pistol, 1 basyo ng bala at iszng magazie na may 13 bala.



Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng insidente.(Mark Obleada)