Advertisers
Arestado ang isang lalaki na nagnakaw sa resort sa Palawan.
Kinilala ang suspek na si Marius Verona Jr. , 37 anyos ng Bgy. Pulot Center, Sofronio Española Palawan.
Base sa ulat ng Brooke’s Point PNP, si Marius ang itinurong suspek sa pagkawala ng pera na pagmamay-ari ng isang guest ng resort sa Bgy. Calasaguen Brookes Point, Palawan.
Bago ang insidente, 7:40 ng gabi nitong Sabado, July 23, 2022, magkakasama ang biktima at kanyang business partners sa Mt. View Agri Home Resort.
Ang isa sa guest, si Francis A. Gaza na nagpasyang pumasok sa kanilang kuwarto pero nakakandado ito kaya sa bintana na lamang siya dumaan upang makapasok, at nang makapasok napansin niyang may tao sa CR kung saan naroon ang suspek.
Nang lumabas ang lalaki, sinabi nitong may tinitiktikan siya o ini-spy na tao bago ito nagpakilalang isang pulis.
Matapos nito, nagdesisyon sila Francis at mga kasama na umalis na lamang sa resort pero nang i-check ng kasama niyang si Roy Odan ang kanyang pitaka, natuklasan na wala na ang tinatayang humigit-kumulang na P13,500 pesos.
Samantala, agad nahuli ng awtoridad ang suspek nang magsumbong sila Francis sa mga barangay tanod.