Advertisers
Lubog sa putik ang isang bahay nang tamaan ng mudslide dulot ng malakas na pag-ulan noong gabi ng Lunes, Agosto 1, sa Sitio Immalsong Kiblongan, Brgy. Suyo, Ilocos Sur.
Sa ulat, pag-aari ang bahay ni Onofre Licnad y Pucnid, 55, may asawa.
Nabatid na noong gabi ng August 1, tinamaan ng mudslide ang bahay ni Onofre pero hindi masyadong nakapagsagawa ng search and rescue operation ang rescue team doon sa erya dahil patuloy pang may mga nahuhulog na mga bato at halos tuloy-tuloy din ang mudslide.
Sa report, nailigtas ang isang injured person na nakilalang si Gemma Butangen y Daligis, 37, may asawa, residente ng Sigay, Ilocos Sur.
Bukod kay Butangen, wala namang naiulat na iba pang sugatan sa naturang insidente.
Bandang 9:50 ng umaga nitong Martes, muling nagsagawa ng search and rescue operation doon sa lugar ang mga pinagsanib na puwersa mula sa Suyo MPS, MDRRMC, BFP Suyo at mga volunteer.
Tulong-tulong sila sa pagliligtas sa mga gamit ni Onofre sa loob ng bahay na halos lahat lubog sa putik dulot ng naturang mudslide.