Advertisers

Advertisers

Transport group umalma na sa ‘no-contact’

0 342

Advertisers

PUMALAG ang iba’t ibang transport groups sa mabigat umanong multang nagpatong-patong dahil sa traffic violations resulta ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) sa iba’t ibang local government unit, lalo sa Metro Manila.

Ang ilang multa umaabot pa sa isang milyong piso, na para sa mga transport group ay masyado ng malaki at nakakalula at karamihan sa mga violation ay Obstruction of Pedestrian Lane at Disobedience to Traffic Control Signs.

Iginiit ng Liga ng Tranportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP) at Lawyers for Commuters’ Safety and Protection (LCSP) na dapat repasuhin at pag-aralan muli ang NCAP.



Nagbanta si LCSP President, Atty. Ariel Inton na kung babaliwalain ng gobyerno ang kanilang suhestyon, maaaring malagas ang mga bumibyaheng PUV sa mga kalsada.

Ayon kay LTOP National President Orlando “Ka Lando” Marquez, inihayag nitong may problema sa pagpapatupad ng NCAP, partikular ang magkakaibang halaga ng multa sa bawat lungsod.

Dapat anya ay magkaroon ng unified implementation ng No-Contact Apprehension Policy ang mga LGU sa Metro Manila at iba pang lungsod upang maiwasan ang perwisyo.