Advertisers

Advertisers

Bagong IBO flyweight champ… APOLINARIO KINILALA SA SENADO NI BONG GO

0 215

Advertisers

Naghain ng Senate resolution, kinilala at pinuri ni Senate committee on sports chair, Senator Christopher “Bong” Go si Davemark “Dave” Apolinario sa pagkapanalo ng International Boxing Organization (IBO) flyweight crown sa International Convention Center sa East London, South Africa.

Sa kanyang sponsorship speech noong Lunes, ipinaabot ni Go ang kanyang lubos na papuri kay Apolinario sa pagpapakita ng diwa ng Pilipino sa pakikipagkumpetensiya sa kanyang laban.

“Nangibabaw siya nang maaga sa opening round matapos maghatid ng malaking left straight na suntok at umiskor ng first round stoppage laban sa kanyang kalaban sa South Africa na si Gideon Butlehezi, na may exclamation poiunt,” sabi ni Go.



“Ang kanyang kahanga-hangang panalo ay nagbigay daan para sa pag-angkin ng kanyang unang world title matapos niyang makuha ang IBO flyweight crown at pahusayin ang kanyang unbeaten boxing record na 17 panalo, 0 pagkatalo, na may 12 knockouts,” dagdag niya.

Sinabi ni Go na ang 23-anyos na taga-Sarangani Province ay napatunayang hindi matitinag na boksingero, dahil siya ay “kinikilala ngayon bilang isa sa mga promising fighters na ginawa ng ating bansa.”

Dahil dito, ayon kay Go, hinangad niyang bigyan ng nararapat na pagkilala at parangal ang naging performance ni Apolinario na “nagbigay inspirasyon sa maraming Pilipinong atleta na umakyat sa mas mataas na antas sa kani-kanilang larangan sa sports.”

Bilang chairman ng Senate sports committee, sinabi ni Go na ang mga tagumpay na naihatid ng mga atletang Pilipino tulad ni Apolinario ay tunay na nakapagpapasigla sa kanilang natamo sa kabila ng mga hamon na dala ng pandemya.

“Ang mga ganitong karangalan ay tunay na nakatataba ng puso. Dahil sa kabila ng krisis na ating kinakaharap dulot ng pandemya, ang ating mga Pilipinong atleta ay namamayagpag sa mundo ng palakasan at nagbibigay ng malaking inspirasyon sa ating bayan,” ani Go.



Tiniyak ng senador na patuloy niyang isusulong ang mga programa sa pagpapaunlad ng palakasan sa bansa.

“Ako po ay kaisa ng bawat Pilipino sa pagsusuporta at pagpupugay sa ating mga atleta na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa,” idiniin ng mambabatas.

Sa pakikipag-usap sa mga atleta, tiniyak din ng senador na ang karangalan na ibinigay nila sa bansa ay mananatili magpakailanman sa kasaysayan ng palakasan ng Pilipinas.

“Lahat kayo ay naging mga haligi ng lakas at malaking mapagkukunan ng inspirasyon sa ating mga kababayan na patuloy na nagbibigay sa atin ng pag-asa sa harap ng kahirapan.”

“Bawat isa sa inyo ay paulit-ulit na napatunayan ang walang-hanggang debosyon sa layunin ng ating bansa,” anang senador.

Matagal nang binibigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng palakasan sa pagbuo ng bansa.

Ayon sa kanya, bukod sa paghahasa ng kakayahan ng mga bagong atletang Pilipino, ang sports ay makatutulong sa kanila na lumayo sa iligal na droga at kriminalidad.

Ang senador ay naunang sumulat at nag-sponsor ng Republic Act No. 11470, na nagtatag ng National Academy of Sports System sa Main Campus sa New Clark City Sports Complex sa Capas, Tarlac.

Ang NAS ay isang akademya na pinamamahalaan ng gobyerno na naglalayong paunlarin ang mga atleta sa hinaharap sa pamamagitan ng pag-aalok ng dekalidad na sekondaryang edukasyon na may espesyal na kurikulum sa palakasan para sa mga kabataang Pilipinong may likas na kakayahan at gustong pahusayin ang kanilang pisikal at mental na kakayahan sa sports.

Inihain din ni Go sa 19th Congress ang Philippine National Games (PNG) Act of 2022. Layunin ng panukala na magbigay ng istruktura para sa mas komprehensibong national sports program, na nag-uugnay sa grassroots sports promotion sa national sports development.