Advertisers

Advertisers

“Best health care service sa Manileño sa 2030” – Mayor Honey

0 208

Advertisers

PINAKAMAHUSAY na serbisyong pangkalusugan sa lahat ng mga taga-Maynila sa taong 2030.

Ito, ayon kay Manila Mayor Honey Lacuna ang inaasahang makamit ng kanyang administrasyon para sa mga residente ng lungsod, kasabay ng pag-aanunsyo niya ng planong na palawakin pa ang city government’s healthcare-related manpower, health providers, trainings at mga pasilidad nito upang lalong makapagbigay ng pinakamahusay na serbisyong pangkalusugan sa kabisera ng bansa.

Sinabi ni Lacuna na isang doktor na binibigyan niya ng prayoridad ang serbisyong pangkalusugan dahil naniniwala siya na ang malusog na populasyon ang susi sa pag-unlad ng lungsod.



Ayon sa kanya ang mga umiiral na serbisyo sa 44 na health centers na pinatatakbo ng pamahalaang lungsod sa anim na distrito ng Maynila ay unti-unting pinalalawak din upang upang mas lalong makatugon sa pagbibigay ng pangunahing pangangalagang pangkalusugan alinsunod sa itinatakda ng universal health care act.

Sinabi ng alkalde na hindi na kailangang dumiretso ng ospital ng mga residente kung simpleng checkup lang naman ,dahil kaya na ito sa mga health centers.

“Meron nang labs ang mga center. Pwede na magtungo doon para magpa-checkup. Magagaling din ang mga health center physicans and nurses natin,” sabi ni Lacuna.

“Dun muna magpatingin at pag pwede na, gagawin sa health centers nang libre. Di na kailangang magsiksikan sa ospital dahil ang basic labs pwede na i-request, available na sa center,” dagdag pa ng alkalde.

Sinabi rin ni Lacuna na kailangan munang makita ang pasyente bago makakuha ng libreng lab at kung sino man ang gumawa ng pagsisiyasat ( checkup) ang siyang magsasabi sa pasyente kung anong uri ng lab services ang kakailanganin nila.



Ang mga available na tests ay ang CBC, urinalysis, blood chem, FBS, BUN, creatinine, SGOT, SGPT, cholesterol, trigycleride and uric acid.

“Pag FBS ang test, dapat di ka kakain. Lab testing starts at 8 a.m. at dun na din magfa-followup to get the result of lab. Unti-unti ang pagpapalawak ng libreng serbisyo sa mga health centers,” ayon kay Lacuna. (ANDI GARCIA)