Advertisers

Advertisers

Bata nasagip sa pagkalunod ang 27-anyos lalaki

0 239

Advertisers

Pinarangalan ng Dumaguete City council ang 13-anyos na bata na nagligtas sa isang nalulunod na lalaki sa dagat noong Agosto 1.

Ayon sa ulat, nasagip ni Dave Lawrence “Boknoy” Quilario ang 27 anyos na lalaki na muntik nang nalunod habang namamana ng isda sa dagat sa Barangay Banilad.

Sa report, biglang nakaramdan ng sakit sa dibdib, nahirapang huminga at nagkapulikat ang binti ng lalaki kaya nanghingi ito ng saklolo.



Nakita ito ni Boknoy na agad sumakay sa bangkang de sagwan upang matulungan ang biktima.

“Di ako nag-alin-alangan dahil ang iniisip ko ang mailigtas ko siya,” ani Boknoy.



Kahit nahirapan, naisakay ni Boknoy sa bangka ang nanghihina nang lalaki.

Agad binigyan ng paunang lunas ng CDRRMO responders at nadala sa ospital ang lalaki na ngayon nasa mabuti nang kalagayan.



Nitong Martes, kinilala ng konseho ng Dumaguete City ang katapangan at kabayanihang ni Boknoy, na binigyan ng parangal.

Isang football player si Boknoy na hiwalay sa kanyang mga magulang kaya inaalagan siya ng kaniyang lola at lolo.