Advertisers

Advertisers

Ex-Vice Mayor pinatay habang nag-speech sa b-day party

0 358

Advertisers

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Lobo District Hospital ang dating bise alkalde at tumatayo ngayon bilang Sangguniang Bayan Secretary ng bayan ng Lobo nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang gunman, 8:00 ng gabi nitong Huwebes sa Sitio Cupang, Brgy. Tayuman, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Romeo Sulit, 61 anyos at residente ng Brgy. Malabrigo ng nabanggit na bayan.

Ayon kay Police Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo Police, nagbibigay ng speech sa isang birthday party si Sulit sa Brgy. Tayuman, nang malapitan siyang barilin ng isang hindi nakilalang lalaki na nakasuot ng face mask at sumbrero.



Nagtamo ang ang kasalukuyang Sangguniang Bayan secretary ng tama ng bala sa ulo mula sa caliber-.40.

Itinakbo ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa Lobo District Hospital bago siya inilipat sa Batangas Medical Center sa Batangas City.

Sa ulat, binawian ng buhay si Sulit, 12:34 ng madaling araw nitong Biyernes.

Ayon naman sa ilan kasama ng biktima sa Sanggunian wala naman itong nabanggit na problema o kaaway subali’t napansin nilang kakaiba ang ikinikilos nito at tila balisa bago ang nangyaring insidente ng pamamaril.

Hindi pa matukoy ang motibo sa pamamaril habang patuloy ang manhunt operation ng mga pulis. (KOI LAURA/MARK OBLEADA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">