Advertisers

Advertisers

‘Ladderized program’ para sa mga nurse suportado ni PBBM

0 277

Advertisers

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang panukala na pagpapatupad ng isang “ladderized” program para sa mga nurse upang mapalakas ang health sector sa bansa.

Sa pakikipagpulong ng Pangulo sa Private Sector Advisory Council (PSAC) sa Malacañang, natalakay ang usapin sa ilang hamon na kinakaharap ng health sector ng bansa kabilang ang isyu sa mga nurse at health professionals na umaalis sa bansa para magtrabaho abroad.

Ang ladderized program na ito ay pinalutang ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Undersecretary Maria Rosario na kasalukuyang iniimplementa na sa University of the Philippines-Manila at sinimulan na rin sa ilang local government units (LGUs).



Sa ilalim ng programa, sa naturang unibersidad sa Manila inaalok ang dalawang taong scholarship para sa mga midwives na nakakumpleto na ng kurso para magsilbi sa komunidad.

Matapos na makakuha ng experience ay babalik ito sa unibersidad para mag-aral ng kursong nursing para sa panibagong dalawang taon.

Inihayag naman ni PBBM na isa sa mga programa na makakatulong para hindi na mangibang bansa pa ang medial practitioners ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng scholarships.

Kaugnay nito, nakipag-ugnayan na rin ang pamahalaan sa TESDA para tumulong sa pagtugon ng concern na ito sa health sector.

Sa katunayan, nag-aalok ang TESDA ng anim na buwang nursing aide course kung saan ang mga graduates ay maari ng maideploy sa ospital matapos ang ilang buwan. (Vanz Fernandez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">