Advertisers

Advertisers

LTFRB ilalabas ang desisyon sa bagong bus fare hike

0 225

Advertisers

INAASAHANG ilabas ng Land Transportation Franchising and Re-gulatory Board (LTFRB) ang desisyon sa panawagan na bus fare hike sa susunod na linggo.

Dahilan ng pagkaantala ang position paper na ilalabas ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa August 17.

Sinabi ni LTFRB chairperson Cheloy Garafil, sa oras na maisumite ng NEDA sa Miyerkules ito, ang naturang case ay isusumite para sa resolution kung kaya’t wala ng isasagawa na pagdinig.



Batid din ng LTFRB official ang mataas na presyo ng mga produktong petrolyo mula ng huling nagtaas ng pamasahe sa mga bus gayundin ang impact nito para sa mga pasahero kung kayat nagiging maingat aniya sa pagdedesisyon sa naturang usapin.

Matatandaan na nanawagan ang city bus operators para sa P4 hanggang P7 fare hike para sa unang limang kilometro.

Huling nagpatupad ng taas sa singil sa pamasahe noon pang taong 2018.