Advertisers
BIÑAN CITY, Laguna – Isang pulis-Biñan ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang salarin na pumasok sa kanilang police outpost sa lungsod nitong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang biktima na si P/Ssg. Robert Torregrosa, miyembro ng Biñan City Police Station at nakatalaga Police Assistance Center station 5.
Sa ulat, dead on arrival sa Qualimed Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna dahil sa mga tama ng bala ng baril.
Sa report, 9:00 ng gabi nang pasukin ng hindi nakikilalang lalaki ang police outpost sa Barangay Timbao kung saan naka-duty si Torregrosa.
Kaagad na binaril ng salarin ang biktima at nang matiyak na patay na ito agad na tumakas sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang mga salarin at motibo sa krimen.